Post by ernesto thaddeus m. solmerano on Feb 5, 2008 5:55:20 GMT -5
Isa Akong Jologs!
;DNi Jason Paul Laxamana
AT TAAS-NOO ko 'tong ipinagmamalaki.
Hindi ako nahihiyang maging kung sino ako. Hindi ako takot sa panunukso ng isang lipunang mapanghusga, sapagkat suot-suot ko ang tunay kong balat. Bakit ko hahayaang kontrolin ng ibang tao ang factors of happiness ko para sa aking sarili? Dito ako masaya eh.
Ano'ng masama kung trip ko ang get-up ng Salbakuta? Hindi ba't get-up din iyon nina Nelly, Ja Rule, Eminem, at kung sinu-sino pang rapist, este, rapper sa kabilang banda ng mundo? Ah, alam ko na. Siguro ang nasa isip ninyo, ang feeling-feeling namin, hindi naman namin bagay. Mga istupidong mga baduy. Mala Carlos Agassi ang dating. Wooshoo. Di lang kayo sanay makakita ng exotic.
Oo nga naman! Hindi naman kami mga Kano, kung anu-ano ang mga pinagsasabit-sabit namin sa aming pantalon na galing sa kung kaninong poodle at German shepherd. Tapos ang kasama ko pa, nagsuksok ng singsing sa labi niya, impluwensiya ni Chester ng Linkin Park. Masyadong colonial ang mentality namin, ano? Kung kaya ba naming magbahag lang? Maipagmamalaki pa kami siguro ng mga titser kasi tinatangkilik namin ang sariling atin. Pero sa tingin ko, hindi rin. Jologs na naman ang dating namin noon. Mga cheap na tao, mga "the others," mga TH jumaporms. Ang the list goes on and on and on.
Sawa na akong mapabilang sa mga, ano na nga ba iyon? Styropipe? Ah, oo! Stereotype nga naman pala. Putseks. Sori. I does not mean it. Medyo hindi kasi ako marunong umingles eh.
Ika nga nila, crowds don't lead; they follow. Kanya-kanyang eksperimento lang naman sa sarili iyan. Minsan, mapagtitripan mo na lang ang buhok mo't pakukulayan mo ng matingkad na kulay, kasi lagi mong nakikita sa TV. Pupunta ka sa mall at kapansin-pansin na hindi maaaring walang mapapa-head-turn sa iyo. Doon na magsisimula ang impluwensiya. Ayan na ang mga aspiring jologs, mga aspiring to be exotic. Isa-isang magsusulputan ang mga rapper-look-alike na parang mga damo sa garden ni Imang. Ito na ang sinasabi nilang stepping in the sign of the times. Kanya-kanyang sakay. Bahala na. Hindi naman namin nalilimutang maghanda sa baygopri ng mga tao. Puwede ba namang mawala iyon? Ay, oo. Bigotry pala.
Ang pagiging jologs ay pagiging matapang. Ito'y pagiging matibay sa mga pangungutya ng mga tao. Kailangan mo talagang maging daring para lang makamit ang saya sa sarili. Ang pagiging jologs ay pampataas ng self-esteem at confidence. Dinedare mo ang sarili mong umalis sa pangkarinawang agos at magtatag ng sariling daan. Ito ang konsepto namin ng pagiging unique.
Wish ko lang, walang mantapak ng pagkatao dahil wala kaming ina-ano. Alam niyo na siguro ang madalas nilang sabihin. Huwag daw husgahan ang tao sa kanyang pagmumukha, kundi sa kanyang mga ginagawa. Hindi naman kami nang-iirita ng kapwa. Hindi rin kami mga adik. Hindi rin kami ganito pinalaki ng mga magulang namin; baka isipin ninyo pati ang mga tatang namin ay mga hiphop. Sariling kagustuhan lang ito. Cheap man at madalas japeyk ang dating at galing pa sa kung saang bangketa ang mga kasuotan, may porma din naman kami. Aminin niyo. Iba nga lang sa inaasahan at nakasanayan ng madla.
Kaming mga jologs ang nasa baba. Ang mga stereotype ang nasa gitna (playing safe ang iba). Ang mga konyo ang nasa taas. Oo, tanggap na namin na nasa baba kami. Kung baga, kami ang masa, the underprivileged. Naks! Natatandaan ko pa iyong term na iyon, ah. Sa masa naman talaga na-coin ang jologs eh. Dilis, tuyo, itlog—isa sa mga cliché na pagkain ng masang Noypi. Diyologs. Jologs. Ginawa na lang J para medyo hindi pansin.
Okey lang na sa baba ang puwesto namin sa lipunan. At least, masaya kami. Totoo sa sarili. Matapang. Taglay namin ang we-don't-give-a-damn attitude, na masasabi kong may halaga rin naman. Kung lahat na lang ng sinasabi nila ay susundin mo, talagang wala ka ng tsansang maging exotic. Marami kasi sa mga tao ang gumagalaw ayon sa sabi-sabi. Ang hirap talaga ng buhay-jologs. Ayoko ng sabihin na mahirap din ang buhay-konyo. Baka sabihin pa nila we have no right to compare ourselves to they, este, them.
Respetuhin na lang natin ang isa't-isa. Tutal, nagko-co-exist naman tayo. Magiging makulay at masaya ba sa 'Pinas kung walang jologs? Kung walang stereotype? Kung walang konyo? Aba'y hindi!
Pahabol: Walang term na jolog. Ang jologs ay adjective at noun. Ang singular ng jologs ay jologs din. Kapag plural, lagyan lamang ng "mga" before the term, dahil sa wikang Filipino galing iyon. Gets?
Mabuhay ang mga jologs. You all rocks, dude!