Post by ernesto thaddeus m. solmerano on Aug 7, 2011 8:06:38 GMT -5
Quiz on Figures of Speech
Direction: Identify the figurative language used in the following examples.
1. Umuulan-umaaraw
Nang maglakad ako patungo sa Diyos
At tangayin ako ng dalawang paa
Pasalungat
Sa nakamihasnan kong landas.
2. Sa labi ng kapwa labi’y
Nagsasayaw ang kamandag
Na lulan ang alat at tamis
Ng pinagbiyak na pagnanasa.
3. Nais kong maikwadro
Kasama ang anino sa kaniyang pag-iisa
Hanggang manalamin ang dilim at liwanag
Sa kaluluwa ng magdamag.
4. Sa pusod ng madilim na gubat
May pintig ang tuyong dahon
Nagnanaknak ang punong may sugat
Nagtatangkang maghilom ang panahon.
5. Ikaw ay parang aso
Lagi kang tumatakbo
Mahilig kang umupo
Mga buto ang gusto.
6. Maya sa barbed wire
katanawan ang kosang
hubad sa araw.
7. Pato, lipad mo’y
saan? Balik ka. Lawa
mo’y namamanglaw.
8. At tulad ng maraming di-akalain, umibig ang bato sa palad, pag-ibig na sang-iglap napaangkin sa kuyom ng limang daliri bago ito ipukol sa tubig; kaya't ang kilapsaw--pangwakas na kalatas hinggil sa alindog ng daigdig ng liwanag--ang umaalong piglas ng lunggati bago lumubog at bumulusok sa malamig na pusod ng orihinal na panglaw.
9. Sa maraming bituing
Marikit ang luningning
Di ko man lang napansin
Ang sarili kong ningning.
10. Magiliw niyang nihatid
Sa bawat mesa
Ang mainit-init pang brownies
Katerno ang mabangong espresso,
O iced flavored coffee
(may iba’t ibang flavors ‘to –
hazelnut, chocolate mousse
cookies and cream)
habang may ngangattain
at nanamnaming blueberry muffin.
At pag-uwi sa maliit na dampa
Ihahain naman niya sa sarili
Ang malamig at matigas na pandesal
Na isasawsaw sa kapeng walang asukal.
11. Ang lungkot ay apoy
Mainit ang lagablab
Pumapaso sa balat
Lumulukob sa katauhan.
12. Sana
Hindi na ako
Susukatin
Sa pamamagitan ng kanta.
Sana
Hindi nahuhulog
Ang pagkatao ko
Tulad ng
Pagbagsak ng barya
Sa lata.
13. “Halik ni Hudas”
Nang gawaran ng halik
Ang pisngi nitong birhen
Nangilabot ang anghel,
Demonyo’y humagikhik.
14. Pinapapak ng lamok
Mga taong-lansangan;
Ang aso ng mayaman,
Tulo-laway matulog.
15. Kung cactus ka man, handa akong masaktan, mayakap ka lang.
16. Tirikan mo ng kandila at paglamayan ang puso kong patay na patay sa iyo.
17. Tapat ka sa kasintahan mo, pero sa magulang mo natuto ka nang mag-sinungaling.
18. Malalaman mong gumagaling na ang sugat kapag kumati na ito kaya kung BROKEN HEARTED ka, malalaman mong gumagaling ka na kapag kumakati ka na.
19. Ang pagmamahal ko sa iyo ay parang tubig na umaapaw sa baso. SAYANG LANG.
20. "Balang-araw, mapapasakin din ang iyong katawan..." - Sementeryo